Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na mananaig ang transparency sa kanilang paghahanda sa 2025 senatorial elections.
Kasunod ito ng pinalabas na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa petition for writ of mandamus ng National Press Club laban sa COMELEC.
Partikular ang hirit na mapayagang masaksihan ang pag-imprenta ng mga balota at masilip ang nilalaman ng vote counting machine o VCM transmission diagram.
Ayon sa COMELEC, tinanggihan ng Korte Suprema ang nasabing petisyon sa katwiran na “moot and academic” na ito dahil kusang-loob nang tinutupad ng COMELEC ang mga kahilingan ng petitioner bago pa man ang resolusyon.
Sa kabilang banda, sinabi naman ng katas-taasang hukuman na hindi maaaring pilitin ang COMELEC para ipatupad ang paggamit ng digital signatures kaugnay ng 2022 national and local elections.
Ito ay dahil ang mga digital signature na nabuo ng VCMs ay sapat na pagsunod sa R.A No. 8436, o ang batas sa automated election system.