Speaker Romualdez, itinalagang caretaker ng distrito ni Finance Secretary Ralph Recto

 

Inanunsyo sa plenary session ng Kamara na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tatayong caretaker ng ika-anim na distrito ng Batangas.

Ang naturang distrito ay dating kinakatawan ni dating Congressman Ralph Recto na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Kaugnay nito ay inihalal naman ng mga miyembro ng House of Representatives si Quezon 2nd district Rep. David “Jay-Jay” Suarez bilang bagong Deputy Speaker ng 19th Congress.


Ang nabanggit na posisyon sa Kamara ay nabakante sa paglipat ni Recto sa DOF.

Facebook Comments