COMELEC, tiniyak na aaksyunan ang mga reklamo hinggil sa ‘deactivated’ voters’ status

Pinawi ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangamba ng publiko tungkol sa “deactivated” status ng ilang botante sa online precinct finder ng poll body.

Kasunod ito ng mga reklamong natanggap ng COMELEC mula sa mga botante na aktibo naman noong mga nakaraang halalan.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, lilinawin nila sa kanilang information technology department kung bakit ito nangyari.


Aniya, mas mahalaga na ang pangalan ng mga botante ay nasa voters’ information sheet, na siyang pinakaakma na rekord ng mga botante para sa Mayo 9 elections.

Pinayuhan naman ng poll body ang publiko na pumunta sa kanilang sa local COMELEC sakaling lumabas na deactivated, no record, o under review ang status ng kanilang pagboto sa online precinct finder o voter verifier.

Nauna nang inanunsyo ng COMELEC na may 7,229,493 na botante na nabigong makaboto noong 2018 barangay elections at 2019 midterm elections ay deactivated na.

Facebook Comments