Comelec, tiniyak na ‘di mauuwi sa partisanship ang pagpapatupad ng category red sa Mindanao

Tiniyak ng Comelec na walang mangyayaring partisanship sa pagpapatupad ng poll body ng category red 5 hotspot sa buong Mindanao at ilang lalawigan.

Ayon sa Comelec, mananatili ang transparency sa pagpapatupad automated election system sa Mayo.

Patunay anilang may transparency sa automated elections nang mapatunayan noong 2010, 2013 at 2016 elections kung saan walang naganap na dayaan sa halalan.


Bukod sa buong Mindanao, kabilang din sa inilagay category red election hotspot ang Jones, Isabela; Lope de Vega, Northern Samar at ang buong lalawigan ng Abra.

Facebook Comments