Tiniyak ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa publiko na hindi mag-iisyu ang Komisyon ng certificate of proclamation sa Duterte Youth nominees.
Ito ay hangga’t hindi nareresolba ang petitions na kumukuwestiyon sa ligalidad ng substitution bid ni dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.
Ayon pa kay Guanzon, kailangan ding mag-comply ng Duterte Youth party-list sa Comelec Resolution noong June 4 kung saan ina-atasan nito ang grupo na i-publish ang kanilang nominees.
Aniya, hanggat hindi nagsa-submit ang Duterte Youth ng publication ng substitute nominees, hindi sila magpapalabas ng Certificate Of Proclamation.
Una nang inilabas ng Comelec ang 39 party-list organizations na nakakuha na ng kanilang Certificate Of Proclamation.