COMELEC, tiniyak na hindi mauuwi sa disqualification ang kanilang documentation drive sa mga kandidato

Manila, Philippines – Tiniyak ni COMELEC Spokesman James Jimenez na hindi mauuwi sa disqualification ang ginagawa nilang documentation drive sa mga kandidato.

Ayon kay Jimenez, layon lamang nito na matiyak na sumusunod ang mga kandidato sa mga panuntunan sa pangangampanya.

Nagbabala rin si Jimenez na posibleng makasuhan ang sinumang kandidato na mapapatunayang may paglabag sa tamang paggamit ng campaign materials.


Patuloy ang pag-iikot ng COMELEC monitoring team para i-dokumento ang posters at tarpaulins ng mga national candidates.

Nagtapos na kasi ang tatlong araw na palugit na ibinigay ng poll body sa lahat ng kandidato sa national positions para baklasin ang kanilang mga posters at tarpaulin na hindi naaayon sa itinatakda ng COMELEC.

Facebook Comments