COMELEC, tiniyak na makakaboto sa halalan ang mga my sintomas ng COVID-19

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na lahat ng rehistradong Pilipino ay makakaboto sa Mayo a-9 kahit pa ang mga ito ay may sintomas ng COVID-19.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia may inilaan na isolation polling precinct kung saan kapag nakita na ang temperatura ng isang botante ay 37° at hindi nagbabago at may mga sintomas ng COVID-19 ay may mag aalalay sa mga ito upang makaboto.

Aniya, mayroon silang medical team na naka PPE na naka abang upang umagapay o mag assist sa mga kababayan nating may COVID-19 symptoms.


Paliwanag pa nito, yung mga balota kung saan dapat boboto ang isang botante na may sintomas ng COVID-19 ay dadalin mismo sa kanila sa isolation polling precinct at agad din itong ibabalik sa kanilang orihinal na polling precinct pagkatapos upang mabilang ang boto.

Pagtitiyak pa ni Commissioner Garcia, walang ipagtatabuyan o pauuwiing may sintomas ng COVID-19 sa mismong araw ng eleksyon at lahat ng rehistrado ay makakaboto.

Facebook Comments