Senatorial Candidate Gibo Teodoro, nagpasalamat sa patuloy na pag-angat sa mga survey

73

Nagpasalamat si dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa patuloy na pag-angat nito sa mga senatorial survey, ilang araw bago ang May 9 elections.

Ayon kay Teodoro, malaking bagay sa kaniyang pag-angat ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nito na si Gibo ang kaniyang top pick para sa senador sa darating na eleksyon.

Giit ng Pangulo, walang bahid kurapsyon si Gibo sa kaniyang ilang taon ng pagseserbisyo noon mula pa nang maging kongresista ng Tarlac at hanga ito sa pagiging Bar topnotcher nito noong 1989.


Nabatid na laging pasok sa magic-12 sa mga senatorial survey si Teodoro.

Sa resulta ng survey na isinagawa ng Argus Polls Inc. noong Abril 9 hanggang 12 sa 10,000 respondents nationwide, nasa ika-pitong pwesto si Teodoro sa senatorial candidates habang pasok din ito sa top 12 sa senatorial survey ng Publicus Asia kung saan nasa ika-sampung pwesto ito.

Facebook Comments