COMELEC , tiniyak na may maipoproklamang  nanalong mayor sa QC sa loob ng  24 oras

Tiniyak ng  Commission on Elections-Quezon City na may  maipoproklama nang bagong mayor ang QC sa loob ng  24 hours pagkatapos magsara ang lahat ng polling precints sa  Mayo-13.

Ayon kay COMELEC-QC election officer Ma. Anne Gonzales, mapapadali ang pagdedeklara ng mga nanalong kandidato sa kyusi dahil sa dami ng mga   Board of Canvassers na nagboluntaryo na magserbisyo sa local elections sa QC sa Lunes.

Ang Quezon City ay mayroong  kabuuang 1,330,118 na rehistradong botante.


Abot sa 111 local candidates ang kumakandidato sa Quezon City.

95 sa mga ito ay tumatakbo sa pagka konsehal , anim sa pagka bise mayor, 10 ang kandidato sa pagka mayor .

Magbubukas ang mga voting precincts bandang  6 am hanggang 6 pm.

Facebook Comments