COMELEC, tiniyak na ‘walang lockdown’ sa araw ng halalan

Pinawi ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangamba ng publiko na maaaring gawing armas ng mga lokal na opisyal na may political agenda para alisan ng karapatan ang mga botante sa araw ng halalan.

Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, malabong ipag-utos ng mga Local Government Unit (LGU) ang pagpapatupad ng lockdown sa mismong araw ng halalan.

Aniya, hindi pwedeng magdesisyon ang LGUs tungkol sa election-related matters.


Giit pa ni Casquejo, ang COMELEC ang may final say sa pwedeng mangyari sa eleksyon na nakatakda sa May 9, 2022.

Facebook Comments