COMELEC tiniyak sa Kamara na hindi mangyayari ang “failure of election” sa mga lugar na naka-lockdown at may surge ng COVID-19

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) sa Kamara na hindi magkakaroon ng” failure of election” sa mga lugar na nakapagtala ng surge at nasa ilalim ng lockdown.

Sa pagdinig ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms, inihayag ng COMELEC na nakikipag-ugnayan na sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) para makapagsagawa ng botohan sa mga lockdown areas kung saan magpapatupad naman ang komisyon ng mahigpit na health safety protocol.

Ayon kay COMELEC Director for Operations Teopisto Elnas, posibleng ipatupad nila sa 2022 national elections ang ginawang safety measures noong plebesito sa Palawan.


Hindi rin iniaalis ng poll body ang posibilidad ng pagsasagawa ng special election kung mananatili pa ring mataas ang mga kaso ng COVID-19 sa isang lugar.

Siniguro rin ng opisyal na hindi magiging super-spreader event ang halalan.

Ilan sa mga ipapatupad na safety at health protocols sa halalan ay pag-modify sa polling precinct o classroom, pagtatalaga ng queue marshalls, at pagkakaroon ng isolation area sakaling may sintomas ng COVID ang botante.

Facebook Comments