Babae na Nag-Tsismis ng Maling Impormasyon, Arestado

38

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 30-anyos na babae matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito kahapon sa Brgy. Alabiao, Tuao, Cagayan.

Batay sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, nakilala ang akusado sa alyas ‘Lotty’, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Efraim Calimuhayan ng Municipal Trial Court, Tuao, Cagayan na may petsang February 10, 2020 para sa kasong Slander o “Pagkakalat ng maling impormasyon sa isang tao”.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Tuao Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments