Nilinaw ni Comission on Elections (Comelec) Commissioner Antonio Kho na hindi sila magtatakda ng deadline sa pagresolba sa petisyon na humihiling na mabasura ang Certificate of Candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Kho, ipinauubaya na nila sa Second Division ang pagdedesisyon sa nasabing kaso.
Nilinaw rin ni Kho na mananatili sa balota ang pangalan ni Bongbong Marcos.
Ito ay hangga’t wala aniyang pinalalabas na desisyon ang Comelec en banc.
Gayunman, inihayag ni Kho na kailangang mapagdesisyunan na ang petisyon laban kay Marcos dahil sa kalagitnaan ng Enero ay sisimulan na ang pag-imprenta ng mga balota.
Facebook Comments