DOJ prosecutor general, pinaghahanda ng motion for reconsideration ni Justice Sec. Guevarra kaugnay ng pagbasura ng Makati Court sa drug case ni Kerwin Espinosa

1265

Dismayado si Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagkakabasura ng Makati Regional Trial Court sa illegal drug case ni self-confessed drug pusher Rolan “Kerwin” Espinosa at ng 3 iba pa na sina Lovely Impal, Wu Tuan Yuan aka Peter Co at Marcelo Adorco.

Kaugnay nito, inatasan ni Sec. Guevarra ang National Prosecutor General na gawin ang lahat ng legal na hakbang kabilang na ang paghahain ng motion for reconsideration sa korte.

Nilinaw rin ng kalihim na hindi pa “off the hook” si Espinosa dahil may kinakaharap pa itong illegal drug charges sa Manila RTC at sa korte sa Albuera, Leyte.


Kinumpirma rin ni Guevarra na patuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa nakakalayang suspected drug lord na si Peter Lim.

Aniya, sa lalong madaling panahon ay matutunton na rin ito ng batas at mapapanagot sa kanyang kinasasangkutang krimen.

Facebook Comments