COMELEC, tutol sa pagsasagawa ng Sunday voter registration

116

Tutol si Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez na magkaroon ng voter registration hanggang Linggo habang papalapit na deadline nito.

Ayon kay Jimenez, hindi ito napapanahon lalo’t anim na araw ng tumatakbo ang registration.

Aniya, bigyan naman natin ng pagkakataon ang mga tauhan ng COMELEC na makapagpahinga.


Matatandaang pinalawig ng COMELEC ang oras ng voter registration mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi sa weekdays at alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng hapon tuwing Sabado.

Sa kasalukuyan, 61 milyong indibidwal na ang nakarehistro upang makaboto.

Facebook Comments