Schedule ng mga laro sa PBA Philippine Cup, ilalabas sa Agosto 31!

61

Ilalabas ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga bagong schedule ng laro ng mga koponan sa Philippine Cup eliminations sa darating na Agosto 31.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, balik aksyon ulit ang mga koponan sa PBA sa Setyembre 1 matapos maantala dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila nitong Agosto 6 hanggang 20.

Dagdag pa ni Marcial, nakatakdang itutuloy ang mga laro sa Setyembre 1 na may tripleheader o twinbill sa Setyembre 2.


Magsasagawa naman ng RT-PCR testing sa lahat ng manlalaro sa Agosto 30 habang gaganapin ang mga natitirang laro sa Bacolor, Pampanga.

Facebook Comments