Manila, Philippines – Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng mataas na Overseas Absentee Voter (OAV) turnout para sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – inaasahang mas magiging mataas ang turn out ngayong halalan kumpara sa 16% registered para sa OAV noong 2013 elections.
Nakita naman aniya ng mga Pinoy workers abroad ang kanilang impact noong 2016 elections at mula rito ay hindi na bumaba ang kanilang partisipasyon sa eleksyon.
Sa datos ng Comelec, nasa 1,822,173 registered overseas absentee voters para sa midterm elections na boboto mula April 13 hanggang May 13.
Facebook Comments