Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na magkakaroon ng maraming substitute filing sa oras na maabot na ang deadline ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa October 8.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, isa sa mga nakikita niyang dahilan ay maraming appointed officials ang nagbabalak na tumakbo para sa election 2022.
Habag tinitignan din ang posibilidad na may ilang appointed government officials na ang ayaw munang magbitiw sa pwesto dahil masyado pang maaga at maaari namang humabol sa substitute filing hanggang November 15.
Batay kasi sa batas, kailangang magbitiw sa pwesto ang isang appointed government officials sa oras na maghain na sila ng kandidatura para sa eleksiyon.
Habang wala ring nakikitang mali si Jimenez sa substitute filing dahil bahagi ito ng sistema ng batas na estratehiya ng kandidato para supresahin ang kanilang kalaban.
Matatandaang una nang nagkaroon ng kahalintulad na pangyayari nang tumakbo sa pangkapangulo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 bilang substitute ng naunang presidential candidate ng PDP-Laban na si Martin Diño.