Ulat na kulang ang ibinalik na internal organs sa labi ng artist na si Brianna Jonson, fake news ayon sa PNP

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang nawawalang internal organs sa katawan ng artist na si Brianna Jonson matapos matagpuang patay sa La Union nitong Setyembre.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, maituturing na misunderstanding lamang ang ulat.

Habang giit pa ng opisyal, kasama sa pulong ng PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga abogado ng pamilya Jonson kaya naging malinaw na kumpleto ang mga organs nang ibinalik ito sa katawan ni Jonson matapos ang awtopsiya.


Sa ngayon, pagtitiyak ng PNP na hindi magkakaroon ng delay ang ilalabas nilang resulta sa imbestigasyon sa pagkamatay ng artist.

Facebook Comments