COMELEC, umapela ng karagdagang tatlong bilyong pisong pondo matapos vineto ang panukalang tax exemption sa mga poll worker

Umapela ngayon sa Kongreso ang Commission on Elections (COMELEC) ng karagdagang tatlong bilyong pisong pondo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre.

Hiniling ito ni COMELEC Chairman George Garcia sa pagdinig ng House Suffrage and Electoral Reforms Committee kaugnay sa pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtanggal sa tax exemption ng mga poll workers.

Ayon kay Garcia, ang 8.4 billion pesos na budget para sa Barangay at SK Elections ay ibinigay sa komisyon bago tinanggal ang tax exemption sa honoraria ng mga guro.


Kaya hiling ng opisyal na dadagan ang honoraria ng mga guro upang hindi maapektuhan ang halaga ng honoraria na dapat talaga nilang matanggap na naglalaro sa 6,000 hanggang 10,000 pesos.

Facebook Comments