New generation vaccines mula Estados Unidos, posibleng maging available na sa Oktubre

89

Posibleng maging available na sa Oktubre ang mga bagong henerasyon ng COVID-19 vaccines na nilikha kontra sa mga Omicron subvariants.

Sinabi ni Vaccine Expert Panel (VEP) Chairperson Dr. Nina Gloriani na sa ngayon ay ang MRNA Vaccines, tulad ng Pfizer at Moderna ang madaling mapalitan ang komposisyon o ma-synthesize.

Ibig sabihin nito, posibleng aniya isabay ito na maging available ang mga bakunang mula sa Estados Unidos sa Oktubre.


Pero, ayon kay Gloriani na matatagalan pa bago makakuha ng new generation vaccine ang Pilipinas dahil kinakailangan ng Emergency Use Authorization (EUA) Application.

Facebook Comments