Nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga local government unit (LGU) na huwag bigyan ng permit para makapagsagawa ng rally o motorcade ang supporters ng mga politikong maghahain ng kanilang kandidatura.
Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mas maraming political aspirants bukas, ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kahit panahon ng eleksyon ay dapat na sumunod ang lahat sa ipinatutupad ng COVID-19 health protocols.
Samantala, may hanggang alas-4:45 ng hapon ang mga aplikante para pumila at maghain ng COC at CONA sa Sofitel bukas.
Sa Oktubre 29, ilalabas ng COMELEC ang tentative list ng mga kandidato kung saan maaaring itama ng mga aspirant ang spelling ng kanilang pangalan at iba pang typo errors hanggang November 8.
Habang ang substitution of aspirants ay hanggang November 15.