Nananawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na tingnan ang kabuuang resulta ng eleksyon at hindi ang maliit na porsyento ng mga nangyaring aberya.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na sa kabuuan ay naging matagumpay ang resulta ng eleksyon 2022.
Bagama’t aminado itong may mga nagyaring aberya tulad ng mga pumalyang vote counting machines at sirang SD cards ay hindi naman ito nakaapekto sa kredibilidad ng halalan.
Katwiran pa nito kung hindi binawasan ng kongreso ang pondong laan para sa komisyon ay sana nakabili sila ng mga bagong vote counting machine (VCM) nang sa ganon ay iwas aberya.
Aniya, kahit tinapyas ng Kongreso ang kanilang pondo ay naitaas nila ang bilang ng mga VCM na mula sa dating 80,000 na ngayon ay nasa 106,000 na.
Isang malaking factor din ani Garcia na may edad na ang mga makina o mga vcms kung kaya’t nararapat na itong palitan para sa susunod na halalan.