Ginang, Inaresto dahil sa Aktong Pagbili ng Boto ng mga Botante

25
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang Ginang sa Paddaya, Aparri, Cagayan dahil umano sa ‘Vote Buying’ na mahigpit na paglabag sa Omnibus Election Code ng Commission on Election.

Batay sa report ng Police Regional office 2, kinilala ang suspek na si Marineth Malazzab, 42-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Nahuli ito sa akto ng mga opisyal ng barangay sa mismong araw ng eleksyon kung saan bumibili umano ito ng boto sa loob ng Paddaya Elementary School na isa sa mga itinalagang polling stations sa naturang bayan.

Nag-ugat ang reklamo ng ilang rehistradong botante laban kay Malazzab kung saan nagpapamigay umano ito ng P200.00 kapalit ang boto ng isang mayoralty candidate.

Agad namang ibinigay ng botante sa kapitan ng barangay ang halaga ng pera habang mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng kapulisan.

Facebook Comments