COMELEC, wala pang desisyon kung ilalagay sa blacklist ang Smartmatic  

Wala pang desisyon ang Commission on Elections (COMELEC) kung ilalagay sa blacklist ang Smartmatic.

Ito’y kasunod ng malfunction ng 961 Vote Counting Machines (VCM) na ginamit noong May 13 Midterm Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nagpapatuloy ang kanilang Forensic Investigation.


Kailangan nilang matiyak na may pananagutan ang Smartmatic hinggil dito.

Maliban sa VCM, nasa 1,600 Secure Digital o SD Cards ang hindi rin gumana noong halalan.

Una nang sinabi ng COMELEC na nagkaroon ng synchonization problems ang VCM dahil ang SD Cards, Ballot Paper, at markers ay galing mula sa iba’t-ibang supplier.

Facebook Comments