Comelec, wala pang desisyon kung palalawigin ang voters’ registration

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa nila ikinokonsidera na palawigin pa ang voters’ registration.

Ito’y sa kabila ng panawagan ng ilang indibdwal na pahabain pa ang petsa ng pagpaparehistro partikular sa mga lugar na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa napapag-usapan hanggang sa ngayon ng Comelec En Banc ang posibilidad ng pagpapalawig ng pagpaparehsitro para makaboto sa 2022 national elections.


Sinabi naman ni Jimenez na magpapatuloy pa rin ang voters’ registration sa mga lugar kung saan ito kasalukuyang ginagawa hanggang Huwebes, August 5 bago ipatupad ang ECQ sa Metro Manila.

Nabatid na ang voters’ registration sa National Capital Region (NCR) ay sususpindihin habang ito ay nasa ilalim ng ECQ na ipapatupad simula August 6 hanggang 20.

Payo naman ng Comelec sa publiko, samantalahin na sana ang pagpaparehistro dahil mayroon na lamang 58 araw bago ang deadline sa September 30, 2021.

Facebook Comments