Ipinagpaliban ng Commssion on Election (COMELEC) ang pagdedesisyon na buksan muli o palawigin ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 elections
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng sa susunod na linggo pa malutas ang lahat ng mga ipinunto sa nasabing petisyon.
Aniya, hindi rin napag-usapan sa En Banc session ang petition na hinihiling na ipagpaliban ang 2022 election.
Matatandaang inihain ng PDP-Laban Cusi faction ang petisyon noong Disyembre 31.
Ipinunto ng partido na dapat muling buksan ng COMELEC ang paghahain ng COC at huwag ituloy ang pag-imprenta ng mga balota habang nakabinbin pa ang ilang kaso na nakakaapekto sa mga kandidato at party-list.
Facebook Comments