DOH, nakapagtala ng halos 11,000 na panibagong kaso ngayong araw

80

Nakapagtala ng 10,775 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

 

Mas mataas ito kumpara sa 5,434 na kaso kahapon kung saan ito na ang pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang buwan.

 

Dahil dito, umabot na sa 2,871,745 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 39,974 ang aktibong kaso.


 

Nadagdagan naman ng 605 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,780,109 na ang recoveries.

 

Samantala, sumampa na sa 51, 662 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 58 ngayong araw.

 

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 3 habang may siyam na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments