MANILA – 12 days nalang bago ang eleksyon pero hindi pa rin desidido ang Commission on Election (Comelec) kung itutuloy ang botohan sa mga mall.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kakausapin pa niya si Commissioner Luie Guia na wala sa meeting ng Comelec En Banc, kahapon kung saan pinag-usapan ang isyu sa mall voting.Paliwanag ni Bautista, gusto muna niyang linawin ang posisyon ni guia kaugnay nito.Sa kabila nito, tuloy pa rin ang mga paghahanda sa mall voting…Nauna nang nagpahayag ng pagtutol sa mall voting sina Commissioner Rowena Guanzon at Christian Robert Lim.Sakaling matuloy, tinatayang mahigit 200,000 libong mga botante ang boboto sa mga mall sa May 9.
Facebook Comments