Paghahanap Sa Katawan Ng Pinugutang Canadian National Sa Sulu – Puspusan Na

13

MANILA – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap sa katawan ng Canadian national na si John Ridsdel na pinugutan ng ulo ng Abu Sayaff nitong Lunes ng gabi.Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, kasama sa tinututukan ng mga otoridad ang paghahanap sa katawan ng dayuhan kung saan nakita ang ulo nito sa municipal hall ng Jolo, Sulu.Tiniyak din ni Marquez na hindi sila titigil kasama ang Armed Forces of the Philippines para mapahina ang Abu Sayyaf group at mailigtas ang iba pang hostages na hawak ng mga bandido.Samantala, nanindigan si AFP Public Affairs Office Lt. Col. Noel Detoyato na hindi sila makikipagnegosasyon sa Abu Sayaff at hindi magbibigay ng ransom demand.Una nang kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, ang insidente kung saan nangako ito na makikipagtulungan sa pamahalaan ng pilipinas para mahuli kung sino ang may kagagawan sa pagpugot.Kahapon, ipinag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino Sa joint PNP-AFP Task Group na pulbusin na ang teroristang Abu Sayyaf sa Mindanao.

Facebook Comments