Manila, Philippines – Hindi isasailalim ng Commission on Election (COMELEC) sa election hotspot ang Lungsod ng Quezon.
Kasunod ito ng pagkakapaslang kaya Barangay Bagong Silangan Chairman Beng Beltran na tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng lungsod.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – magiging area of concern ang QC dahil nagkaroon ng political violence pero hindi ito sapat para ideklara sa COMELEC control.
Samantala – wala pang balak ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na irekomendang isailalim sa COMELEC control ang lungsod.
Sabi ni NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – hindi pa naman nakukumpirma na election-related ang pagpaslang kay Beltran.
Tahimik at payapa din naman aniya ang mga nagdaang eleksyon sa Quezon City.