COMELEC, walang nakitang election offense laban sa F2 Logistics hinggil sa mga poll paraphernalia na nakita sa bakanteng lote sa Cavite

Walang nakitang election offense ang Commission on Elections (COMELEC) laban sa F2 Logistics hinggil sa alegasyon ng “mishandling” ng mga election paraphernalia na nakita sa bakanteng lote sa Cavite matapos ang Eleksyon 2022.

Ayon kay Acting Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, nagsumite na ang panel sa en banc ng ulat ng imbestigasyon at ang nakikita lamang ay ang pananagutan sa pagpapatupad ng kontrata.

Dagdag pa ni Laudiangco na ang Mga Vote Counting Machines (VCMs) at labis na materyales sa halalan tulad ng indelible ink, appointment papers, at seal ay inilagay sa loob ng black corrugated boxes para sa official ballots.


Matatandaang binatikos ng publiko ang F2 Logistics mula nang makuha nito ang kontrata para maging poll logistics provider ng Comelec sa halalan dahil nauugnay ito sa kaalyado ni outgoing President Rodrigo Duterte na si Davao businessman Dennis Uy.

Facebook Comments