Carlos Yulo, nasungkit ang gintong medalya sa men’s floor exercise Asian Artisitic Gymnastics sa Qatar

43

Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa ika-siyam na Artistic Gymnastics Asian Championships kahapon sa Doha, Qatar.

Ito ay matapos makapagtala ng 14.93 points sa men’s floor exercise dahilan para matalo ang mga katunggali niya mula China, Korea at Japan.

Si Yulo ang kauna-unahang Pilipino na makakuha ng ginto sa Asian Championships.


Ito ay magandang pahabol matapos nitong masungkit naman ang silver medal sa men’s individual all-around.

Facebook Comments