Command conference sa pagitan ng PNP, AFP at COMELEC hinggil sa nalalapit na BSKE isasagawa ngayong araw

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ito’y sa pamamagitan ng isang command conference hinggil sa mga paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Dadalo sa nasabing pagpupulong ang COMELEC en banc sa pangunguna ni Chairman George Erwin Garcia at mga opisyal nito gayundin ang iba pang deputized government agencies, Citizens’ Arm at Civil Society Organizations.


Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ay ang ilang update sa pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan, ang nakatakdang paglilipat ng mga presinto sa 10 barangay mula sa Makati patungong Taguig, preparasyon ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors at maraming iba pa.

Facebook Comments