Commandant ng Philippine Marine Corps nagbitiw sa pwesto at maagang magreretiro

 

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen Noel Clement na nagbaba na sa pwesto at maagang magreretiro si Major General Alvin Parreño ang Commandant ng Philippine Marine Corps.

 

Ayon kay Gen Clement hindi nya alam ang personal na dahilan ni Parreño sa maagang pagreretiro nito.

 

Sa ngayon  naghihintay na rin sya ng sagot  mula kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kung inaprobahan nito ang hiling na early retirement ni Parreño.


 

Bago ang pagkumpirma ni Clement sa impormasyong ito lumabas ang balitang hindi nagkakaunawaan sina Major Gen Parreño at Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Roberto Empedrad dahil sa ilang mga isyu.

 

Kaya nagdesisyon na raw na bumaba sa pwesto si Parreño.

 

Ipinalit ni Empredad kay Parreño si Naval Inspector General Maj. Gen. Nathaniel Casem na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1987.

 

Tiniyak naman  ni  Gen Clement na anuman ang personal na hindi pagkakaunawaan ng dalawa ay maayos rin ito ng AFP

 

Si Major General Parreño ay nakatakda pa sanang magretiro sa taong 2020.

 

Miyembro ito ng PMA Class of 1986.

Facebook Comments