Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Armed Forces of the Philippines Chief of Staff dahil sa nakatakdang pagreretiro sa January 5, 2020 ni General Noel Clement sa edad na 56 years old, ang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng AFP.
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na si Lt. Gen. Felimon Santos Jr. ang Commander ng Eastern Mindanao Command ang ipinalit bilang bagong AFP Chief of Staff.
Itinalaga si Santos bilang bagong Chief of staff matapos na irekomenda kay Pangulo ni Gen. Clement at AFP Board of Generals.
Si Gen. Clement ay nagsilbi bilang AFP Chief of staff ng halos apat na buwan.
Ang Change of Command ay gagawin sa Sabado, January 4, 2020 sa AFP Commissioned Officers Country sa Camp Aguinaldo, Quezon City.