PANOORIN: Baka, ‘gatecrasher’ sa isang New Year’s party sa Batangas

Courtesy Jay Las Moster

LIPA, BATANGAS – Nagmistulang gate crasher sa pribadong party ang isang nakawalang baka sa Barangay Tangway noong bisperas ng bagong taon.

Sa kuhang video ni Lucky Joy Palomino, kita ang takbuhan ng mga bata patungo sa covered court kung saan naghahanda ang ilang residente para sa pagsalubong ng 2020.

Nasa likod pala nila ang naturang hayop at dumiretso mismo sa venue.


Nagulantang ang mga sibilyan sa bakang sumulpot dahilan para maghiyawan at magkagulo sila.

Mapayapang nahuli ang baka at agad naisauli sa kaniyang amo na isang mambubukid.  Hindi pa malinaw sa ngayon kung paano ito nakaeskapo.

Wala naman nasaktan sa nasabing pangyayari.

Umabot na sa mahigit 16,000 views ang video na inupload ng netizen na si Jay Las Moster sa Facebook.

Facebook Comments