Commander ng Hamas, patay sa airstrike sa Gaza

Photo Courtesy: Chicago Tribune

Idineklara ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kasama ang commander ng Hamas sa nasawi sa palitan ng airstrikes ng Israel at Gaza.

Aabot sa 65 na indibwal ang nasawi sa Gaza at anim ang patay sa Israel.

Nabatid na ito na ang pinakamalalang pag-atake sa Gaza kasunod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Palestinian militants simula noong 2014.


Kasabay nito, ipinag-utos naman ni US Secretary of State Antony Blinken na papuntahin si Hady Amr, isang senior aide upang tumulong na mabawasan ang tensyon ng Israel at Palestine.

Facebook Comments