Commander ng PH Naval Forces West sa Palawan pinangunahan ang retrieval operation sa sumadsad na BRP del Pilar

Nasa Hasa-Hasa shoal, West Philippine Sea na ngayon ang commander ng naval forces west ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para pangunahan ang pagre-retrieve sa sumadsad na BRP Gregorio del Pilar.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, nakarating sa lugar si Commodore Rommel Galang sa pamamagitan ng Philippine Navy AW109 helicopter.

Tututok aniya ito sa ginagawang retrieval operation, habang ang kapitan ng BRP del Pilar ay tututok sa day to day operation ng BRP del Pilar at kaligtasan ng mga sakay ng barko.


Si Commodore Galang ay dating nakatalaga sa naval sea systems command ng AFP.

Sa kasalukuyan ayon pa kay Detoyato ay nagpapatuloy ang assessment sa damage ng barko na ginagawa ng mga divers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Partikular aniyang inaalam ng mga divers ang kondisyon ng pagkakasadsad ng barko upang maplano kung paano gagawin ang retrieval operation.

Ang mga tugboats naman ng Philippine Navy ay bumabyahe pa rin patungo sa Hasa-Hasa shoal na nagmula pa sa Batangas upang tumulong rin sa retrieval operation.

Facebook Comments