COMMANDING GENERAL | Phil Army, nagpasalamat sa pagkakatalaga kay Gen. Alberto

Nagpahayag ng pasasalamat at positibong pagtanggap ang Philippine Army sa desisyon ng Pangulo na italaga si Maj. General Macairog Sabeniano Alberto bilang ika-60 Commanding General ng Philippine Army.

Sa isang statement, sinabi ni Philippine Army spokesperson Colonel Louie Villanueva na naniniwala ang Philippine Army na nasa mabuti silang kamay sa pamamahala ni Major General Alberto.

Ito ay dahil si Alberto ay isang “well-rounded officer” at respetadong commander na napatunayan ang kanyang husay sa larangan ng combat, intelligence at civil military operations, pahayag ni Villanueva.


Dagdag ni Villanueva, si Alberto ay kilala bilang isang “silent worker” at “passionate performer” na laging isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanyang mga tauhan.

Naniniwala aniya ang Philippine Army na matatamo nila ang kanilang hangarin na maging isang “world class army” sa pamumuno ni Major General Alberto.

Si Major General Alberto ay nakatakdang pormal na manungkulan sa Lunes sa pagreretiro sa serbisyo ni Philippine Army Commanding General, Lieutenant General Rolando Joselito Bautista.

Facebook Comments