Commission on Appointments, binabaha ng mga pagtutol sa appointment ni Environment Secretary Lopez

52

Sumasakit na ang ulo ni Senator Manny Pacquiao sa dami ng mga oppositors o tumututol na makumpirma si Environment Secretary Gina Lopez.

 

Si Pacquiao ang chairman ng Commission on Appointments o CA Committee in Environment and Natural Resources.

 

Sabi ni Pacquiao, mayroon din mga senador na tutol ang lumusot sa CA si Lopez pero mas marami ang mga kongresista na humahadlang, bukod pa sa mga mining firms at mangagawa sa mga minahan.

 

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Pacquiao na magiging patas sila sa pagdinig sa appointment ni Lopez.

 

Binigayang diin din ni Pacquiao na si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakikialam sa CA para agad na makalusot ang kanyang mga itinalagang opisyal ng gobyerno.




Facebook Comments