Pangulong Duterte, makikipagpulong sa mga transport group na nagsagawa ng tigil-pasada noong Lunes

12

Nakatakdang makipag-dayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga transport group na nagsagawa ng tigil-pasada noong Lunes kaugnay ng jeepney phase-out.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – ito ang ipinangako ng Pangulo nang makipagpulong ito sa mga labor leader noong Lunes sa Malakanyang.

 

Nais aniya ng Pangulo na marinig mismo sa mga nag-strike kung ano ang kanilang problema nang sa gayon ay matugunan ng gobyerno.

 

Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan gaganapin ang pulong.






Facebook Comments