Commission on Audit, inutos sa BUCOR na imbstigahan na ang nawawalang pera at alahas sa mga ikinasang oplan galugad sa New Bilibid Prisons

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng Commission on Audit (COA) sa Bureau of Corrections (BUCOR) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nawawalang kumpiskadong pera at alahas mula sa mga ikinasang oplan galugad sa New Bilibid Prisons (NBP).

Batay sa 2016 annual audit report ng COA, ang kabuhuang halaga dapat na kinumpiskang pera ay aabot sa mahigit tatlong milyong piso.

Pero sa isinagawang audit, nagkulang ito ng higit 500,000 pesos.


Lumabas din sa ulat, na isang gintong kwintas at bracelet lamang ang nasa kustodiya ng BUCOR cashier habang may isang pang gintong kwintas, tatlong singing at isang pendant ang nawawala.

Iginiit ng COA na dapat panagutin ng bucor ang mga nasa likod ng sinasabing anomalya.

Kasabay nito, inirekomenda na rin ang pagkakaroon ng komite para sa mga nakukumpiskang kontrabando para matiyak ang safekeeping, disposal, recording at reporting ng actual intentory ng mga ito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments