Commission on Audit, nasilip ang iba’t ibang paggastos sa COVID-19 funds ng Department of Health na nagkakahalaga ng P67.323 billion

Nasilip ngayon ng Commission on Audit (COA) ang bilyong pisong public funds deficiencies ng Department of Health (DOH) na laan sa pagtugon sa pandemya.

Batay sa 2020 audit report nito, aabot sa P67.323-B na public funds ang nakitaan nito ng iba’t ibang kakulangan para patunayang napunta sa dapat pagkagastusan ang hinahanap na pondo.

Ayon sa COA, ang deficiencies na ito ay lumikha ng mga missed opportunities para sa DOH para harapin ang mga hamon sa pagharap sa isang health calamity.


Facebook Comments