Commission on Audit, walang nakitang mali sa presyo ng biniling PPEs sa ilalim ng Aquino administration

Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na wala silang nasilip na mali sa pagbili ng Personal Protective Equipment (PPEs) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isinagawang pagdinig ng Kamara, sinabi ni COA Chairperson Michael Aguinaldo na wala siyang natatandaang mali sa pag-procure ng dating administrasyon.

Matatandaang inakusahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Aquino administration na bumili ng overpriced na PPEs na nagkakahalaga ng ₱3,500 hanggang ₱3,800 noong 2015 at 2016.


Ito ang naging sagot ni Roque sa gitna ng alegasyon ng korapsyon sa Department of Health (DOH) sa paggastos ng ₱67 billion na pandemic funds noong nakaraang taon.

Facebook Comments