MANILA – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na handa silang harapin ang kaso na posibleng isampa dahil sa nangyaring leak ng voters information matapos itong ma-hack.Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nirerespeto nila ang sinumang gustong magreklamo dahil karapatan ito ng mga mamamayan.Una nang nagbanta ang grupong Kontra Daya ng kaso laban sa Comelec kasabay ng isinagawa nilang protesta kahapon.Sa kabila nito, tiniyak naman ni Jimenez na aaksyunan nila ang usapin para hindi na maulit.Kaugnay nito, tiwala pa rin ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na magiging maayos at tapat pa rin ang eleksyon sa kabila ng nangyaring pangha-hack.Sa interview RMN kay PPCRV Chairperson Henrietta de Villa, sinabi niya na patuloy ang kanilang mga ginagawang paraan katuwang ang Comelec para hindi na maulit ang insidente.Kasabay nito, pinawi din ni de Villa ang pangamba ng publiko sa mga posibleng paggamit sa data ng ibang tao dahil sa na-leak na mga impormasyon.Samantala, kinumpirma ng Comelec na ‘on-track’ pa rin sila sa kanilang isinasagawang preparasyon.
Commission On Elections, Handa Sa Posibleng Kaso Kasunod Ng Pagkaka-Hack Ng Kanilang Website
Facebook Comments