Report Ng Commission On Human Rights (Chr) Sa Marahas Na Dispersal Sa Kidapawan City, Ilalabas Sa Lunes

6

MANILA -Posibleng sa Lunes, Abril 25 ilabas ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang report sa marahas na dispersal ng mga nagpoprotestang mga magsasagaka sa Kidapawan City.Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, available na ang second draft sa Lunes ng umaga at sa hapon ay sisikapin nilang ilabas ang buong report ng naturang imbestigasyon.Una rito, sinabi ni Gascon na 95 percent complete na ang kanilang fact-finding report sa naturang kaso.Aniya, sa kanilang En Banc Session sa Cotabato ay iprinisinta ni Commissioner Gwen Pimentel-Gana ang 30-pahinang initial report sa fact-finding teams.Laman ng report ang detalye ng kanilang imbestigasyon mula sa local government at law enforcement officials maging ang mga nag-protestang mga magsasaka.

Facebook Comments