Manila, Philippines – Handang sumunod ang Commission on Elections sa kung ano ang magiging pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 23, 2017.
Pero ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista – kung kakanselahin ang barangay election, dapat ngayon palang ay gumawa na ng kaukulang batas para rito.
Anya – verbal information pa lang ang hawak nila, kaya hindi pa nila masabi kung matutuloy o ipagpapaliban ulit ang eleksyon.
Wala din anyang magiging problema sa poll body kung ang gusto ng pangulo ay i-appoint o italaga nalang ang mga opisyal ng barangay.
Sa kasalukuyan, hanggang hindi pa naisasabatas ang postponement – sinabi ng opisyal na patuloy ang kanilang paghahanda sa eleksyon.
Facebook Comments