MANILA – Kuntento ang Commission on Elections (Comelec) sa naging takbo ng botohan ngayong eleksyon.Sa interview kay Comelec Commissioner James Jimenez, inamin niya na may mga Vote Counting Machines (VCM) na pumalya pero nagawaan naman ito agad ng paraan.Aniya, maging ang bilang ng kanilang natanggap na tawag tungkol sa mga reklamo na may kaugnayan sa pagpalya ng mga makina ay kapansin-pansin dinang pagbaba.Nabatid na noong 2010 ay nasa 1,966 na tawag ang kanilang natanggap o 2.57 percent; habang 2,160 na tawag naman o 6.11 percent noong 2013 at 2,063 o 2.55 percent ngayong 2016.Kasabay nito, sinabi din niya na tinatayang mas mataas ang voters turnout ngayon kumpara sa mga nagdaang eleksyon.Samantala, bineberipika pa ng Comelec kung ito ang pinakamataas na voters turnout sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa.
Commission On Elections, Kuntento Sa Ginanap Na Botohan – Pinakamataas Na Voters Turnout, Naitala
Facebook Comments