Commission on Human Rights, nababahala sa panukalang pagbuhay sa death penalty

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa planong pagbuhay ng parusang bitay sa bansa.

 

Ito ay makaraang sabihin ni Senate President Tito Sotto na mas madaling makakalusot ang ilang panukalang batas kabilang na ang death penalty dahil na rin sa napipintong pagpasok ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senado.

 

Pero ayon kay Commssioner Karen Dumpit, hindi maaring maisabatas ang death penalty lalo na’t pumirma ang pilipinas sa United Nations Agreement na hindi na ibabalik ang parusang bitay sa bansa.


 

Giit pa niya, labag ito sa karapatang pantao at kahit na sino ay hindi gugustuhing mahatulan ng kamatayan.

 

Sa isang survey ng Social Weather Station noong Oktubre 2018. Lumalabas na pito sa bawat sampung pilipino ang tutol sa nasabing capital punishment.

 

Susuportahan naman daw ng PNP ang death penalty sakaling maisabatas ito pero aminadong kailangan munang matiyak na mayroon itong safeguards para hindi maabuso.

 

Hinimok naman ng CBCP ang mga mambabatas na pagsilbihan ang mga nagluklok sa kanila at hindi ang pangulo.

 

Facebook Comments